Hindi ko Makita ang dahilan
Kung bakit sa atensyon mo ako’y naiilang
Dati naman tayong ganito
Di ko napansin kelan nagbago
Basta nagising na lang isang araw
Akto mo parang di na ordinaryo
Kilay napapataas
Sa bawat hirit mong wagas
Please lang sana iyong itigil
Kung ano man dahilan ng iyong panggigigil
Hindi naman dahil ika’y ayaw ko
Pero mas mabuting manatiling magkaibigan na lang tayo
No comments:
Post a Comment