Friday, September 2, 2011

is your SO like your CP?

ang cellphone at boyfriend/girlfriend ay may mga pagkakapareho pala talaga. kaya wag ng magtaka kung bakit ganun na lamang ang pagkagiliw ng mga tao sa kanikanilang SO (in this case, CP)

let's rundown how it works :

the selection period
wifi,budget,OS,features. ilan sa mga bagay na kinokonsidera kapag naghahanap ng CP. Parang SO lang. Kumbaga sa chat, '' ASL please''. Anong height?Face Value? San nag-aral? Mabait ba?  and the list of questions go on....

the getting to know you stage
do you read the manuals? or go straight tweaking your CP? ako kasi adik sa manual, feeling ko pag di ko nabasa, im missing out on the basics. kaya siguro adik rin ako magresearch hehehe, nagpapakabusy ako maghanap ng info online tungkol dun sa boylet, facebook, google search, info from friends, whatever i can use to atleast have an idea who he is. plus of course, i ask the person directly. mas masaya naman makuha yung feedback directly dun sa tao , tama?

eto na malupit, pag may mga di napagkakasunduan,
halimbawa na lang, di ko pa talaga maintindihan pano gamitin tong bago kong phone, kailangan ko ng pdf reader app para mabasa yung libro na dinownload ko, binasa ko manual, online help, kaso eto wala pa rin. at napipika ako. kasi di ko magets kung ako yung engot umintindi, or magulo lang talaga magexplain yung website. parang SO lang, nakakainis minsan pag di kayo nagkakaintindihan, pero di mo naman basta papalitan dahil lang dun tama? take time to understand, parang itong downloading lang, di ko toh susukuan!

in the long run
umamin tayo, andaming lumalabas na bagong unit buwan buwan, level up kung level up ang features. nakakatempt kumuha ng bago, nakakasawa rin kung yun at yun ang phone mo. ang tanong ngayon, bibili ka ba ng bago? may pambili ka ba? kailangan mo ba talagang bumili? parang SO, dumadating talaga yung time na pag matagal na kayo, iisipin mo, ito na ba talaga? hindi naman sa hindi mo na mahal or anything, siguro normal lang talaga na minsan, may makilala ka na mas higit sa kanya. di naman ibig sabihin, you loved him/her less. di ba? so its still your choice kung magpapalit ka... ng CP.

**** nababaliw kasi ako sa bago kong phone, Si Sam ( hehe binyagan ng pangalan, koreano pa nga eh, Sung ang last name :P ) mejo advance kumpara dun sa pinalitan niya, si Cherry Mo Bile, (vietnamese?)  i got a samsung unit, gt something (kitams nakalimutan ko na agad yung model, di kasi ako techie talaga na tao).so imagine na adjustment im going through ;( pucha pati tong touchscreen pinahihirapan ako hahaha
kaya ayan, dito ko na binuhos frustration ko :D

2 comments:

  1. I'm not really a cp junkie, pero I love my BB, only because of it's features, as in parang once you have it, you can't live without it. Pero naiintindihan kita. I like to read the manuals to the phone before operating on it, hehehe, but I think to the next level ka na, hahaha! Nothing wrong though, that is you, and that's what makes you special ;) - Mar
    -Not Your Ordinary Beauty Queen-
    Don't miss: Three H&M Leather Bands Giveaway!!

    ReplyDelete
  2. Baka pareho pa tayo ng CP ah.hehe. :) Yung cellphone ko naman pinalitan ko kasi naman Nokia kopong kopong yung gamit ko dati.hehe. Tsaka libre naman sa plan. Hindi siya uber hi-tech dahil gaya nga ng sabi mo, mabilis maglabas ng bagong unit. Pag nagkipagsabayan ka, talo ka.hehe. :)

    ReplyDelete